Martes, Agosto 30, 2011

Idol ko si sir Book 1 part 2


Dumating ang araw ng aming “pag-tutuos” ni Sir James. At pinaghandaan ko ang oras na yun. Sa suot kong puting t-shirt at jeans hanep na hanep ang dating. “Tingnan natin kung hindi ka sasakay sa plano ko sa iyo” sabi ng utak kung sinulsulan ng demonyo. Sinadya kong magpaporma talaga para sa okasyon na yun. At kasali sa planong yun ang pagdadala ng isang boteng imported na alak, pulutang setseria, kunyari pasalubong. Ngunit ang pinakabida sa lahat ay ang phone-camera ko.

“Good evening James” ang pag greet ko sa kanya nung binuksan na nya ang gate. Hindi na ako nag-Sir pa.

“Good evening din Carl!” sabi nyang nakangiti. 

“Himala, nakangiti sa akin” sabi ko sa sarili. “A, heto pala, James may dala akong maiinom habang nag-uusap tayo. May pulutan na rin.”

Pumasok kami sa living room, kinuha nya ang dala kong alak at mga setseria at inilagay sa mesa. Maganda ang flat nya, tamang tama lang sa laki, may sariling CR at shower, kusina, living room at bedroom. May maliit din syang corner kung saan nakalagay ang mga personal nyang gym equipment. Maayos na maayos ang kwarto, malinis, masinop.

“Hindi ka na dapat nagdala pa neto Carl, di namam pakikipag-inuman ang pakay ko e. Tungkol sa attendance mo sa klase ang pag-uusapan natin, yun lang. At kung maari, ayaw kung uminom.”

“Yun na nga, eh... Sa ibang estudyante, nakikipag-bonding ka, nakikipag-biruan, sumasali sa mga kung anu-anong sosyalan. Pero sa akin iba ang pakikitungo mo... Ang labo mo naman, James. Ano ba talaga ang problema mo sa akin?” Sabi kong kalmante pa rin at pigil ang sariling hindi ipinahalata ang sama ng loob. “Kaya’t para hindi ako tuluyang magtampo, dapat lang na mag-bonding din tayo. Hindi ako makipag-usap sa iyo kung di ka nakikipag-inuman sakin. At dapat, maubos natin yang isang boteng alak na dala ko. Take it, or leave it.”

Kitang-kita ko sa mga mata nya ang pagkagulat. “Are you kidding? Yang buong bote na yan at tayong dalawa lang? Ang tindi mo rin pala sa inuman, no? Pero alam mo, Carl, itong pag-uusapan natin ay hindi naman para sa kapakanan ko e; itoĆ½’y tungkol sa iyo, para tulungan ka, mabigyan ng advice jan sa pinaggagawa mo. Dapat nga ikaw ang unang taong maghahabol ng solusyon dito dahil personal mong kapakanan ang nakataya...” 

“Wow naman, James. Hanep din ang diskarte mo” ang sagot kong mejo tumaas na ang boses. “At wag mong kalimutan, di teacher ang pakikitungo ko sa iyo ngayon, ka-level lang tayo. And if it’s me that you want to talk about, or if it’s about your stupid subject, then I don’t care a bit. At tungkol jan sa sinabi mong pag-tulong?” pag-emphasize ko sa salitang ‘tulong’ “well, thanks, but, no thanks dahil, I don’t need your help, man. I don’t need your damn, fuckin help, ok?” Tinitigan ko sya ng matalas, tila nagbabanta. “Ngayon, does this mean I have to leave now?” at akmang tatalikod na sana.

“No, wait... OK, ok. Iinum ako, pero hanggang kalahating bote lang tayo. Pwede na ba yun?”

“Deal!” sabi ko sa kanyang mejo nasiyahan. “Yun naman pala e...” bulong ng isip kong nasiyahan na rin sa sagot nya.

At nag-inuman nga kami, tagay system, yung iisa lang ang basong gamit at iikot sa aming dalawa ang tagay. Walang usapan, puro pakiramdaman lang, nagbabasa sya ng libro habang kuntento na ako sa pagsisigarilyo. Basta ang target ay makaubos ng hanggang kalahati ng bote at dun pa kami magsimulang mag-usap sa tungkol sa ano mang gusto nyang pag-usapan. 

Nakailang tagay din kami nung sadyang tanggalin ko ang t-shirt. “Mainit, sensya ka na James...”

Hindi sya kumibo. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya ngunit tinanggal din nya ang t-shirt nya. Mejo na-appreciate ko rin ang ganda ng upper body ni Sir, kumbaga sculpted from chest hanggang sa abs at oblique muscles. Ngunit hindi na ako nagtaka dahil sa nakita kong personal mini-gym nya, sigurado akong nagwo-work out sya palagi.

“Disgrasya ka ngayon...” bulong ko sa sarili sabay bitiw ng pilyong ngiti. Maya-maya, nung mag-init na ang pakiramdam tumayo ako’t sumayaw-sayaw na parang macho-dancer, ina-unbuckle ang belt at tinanggal ang dalawang upper buttons ng fly at sadyang ibinababa ng konti ang jeans para lilitaw ang puting garter ng brief. 

“Wala bang music?” tanong ko. Pagpaparamdam na nabo-bored sa sitwasyon naming walang imikan. 

Pinatugtog nya ang isang mellow music na lalong nagpapalakas ng loob kong mag-tease. Tiningnan lang nya ako at pinagpatuloy na ang pagbabasa, napailing-iling. 

“Tingnan na lang natin kung iiling-iling ka pa rin mamaya” ang pagbabanta ng utak ko.

Eksaktong kalahati na ng bote ang naubos namin nung inilatag na ni Sir sa mesa ang aklat na binabasa. “O, siguro naman pwedi na tayong mag-usap...” sabi nya habang nakatutok sa akin ang mapupungay na mata dala ng pag-epekto na ng alak. 

Umupo ako sa harap ng inupuan nya. Gusto kong matawa dahil sa pagkabilis nyang malasing, palibhasa, hindi sanay. “Heto yung taong hinahangaan, tinitingala, minahal, at iniidolo ng mga estudyante ngunit nandito sa harap ko, halos isang sapak ko lang at mawalan na ng ulirat.” sabi ko sa sarili. Tinitigan kong maigi si Sir James. Kahit nanggagalaiti ako sa galit, napansin ko rin ang napaka-attractive nyang mukha. In fairness, makinis; may magandang hugis ng mata at kilay, may matungis na ilong at mamumula-mulang mga labi, makapal na mejo wavy na buhok. No wonder na madami ding nalolokang babaeng estudyante sa kanya dahil sa hayup nyang porma.

Nasa ganun akong paghanga ng sumigaw si Sir James. Dahil sa kalasingan, animoy bata itong, “Hoy, Carl, hindi ka naman nakinig eh…!”

“OK lang James, magsalita ka...” ang sabi ko habang pinagmasdan na lang ang bawat galaw nya. Ibayong pagmamalaki sa sarili ang nadama; ako hindi pa halos tinablan sa nainum habang si Sir James ay mukhang bibigay na. At tila nagtatalon na sa galak na nademonyong isip sa nakikinitang palapit na katuparan sa maitim na balak.

Tumungga ulit ako ng tagay, at isa pa. “O, gusto mo pa?” sabi kong sabay offer ng isang basong tagay sa kanya.

“OK, sige...” tinungga nya ang tagay. Tinagayan ko pa, at ulit tinungga iyon. Nakailang ulit din syang tumungga… 

Lasing na lasing na sya nung magpuntang CR para umihi, halos di na na makatayo. Nasa bungad pa lang ng CR nung mapansin kong maduduwal na kayat takbo kaagad ako para alalayan sya. Nasa likuran nya ako at akap-akap sya. Di ko maintindihan ang naramdaman habang naglapat ang aming mga hubad at pawisang pang-itaas na katawan. May kiliting dumaloy sa buong katawan ko habang bumubundol-bundol naman ang harapan ko sa likuran nya. Namalayan ko na lang na tumigas ang pagkalalaki ko. 

Nasa ganung ayos kami nung mapansin kong parang nahirapan syang i-unbuckle ang belt upang buksan ang fly. Kayat habang nakasandal sya sa akin, ibinaba ko ang mga kamay kong naka-akap sa chest area nya at ako an mismo ang nag-unbuckle ng belt at nagbukas ng fly. Ako na rin ang naghugot ng ari nya. Dahil sa tinigasan si Sir, sumagi ito sa brief nya. Hinawakan ko iyon at isenentro sa toilet bowl ang bagsak ng kanyang ihi.

“Tangna! Para akong nag-assit ng isang disabled neto” sabi kong di maintindihan kung matatawa o maiinis. Parang nakuryente ako sa ginawa kong iyon. Sa buong buhay ko, nun lang ako nakahawak ng ari ng iba – at sa tao pang kinaiinisan ko.

Nung matapos na syang umihi, hindi sya kumilos, nakasandal lang sa akin, marahil dahil sa hilo; ang dalawa nyang kamay ay naka laylay lang sa giliran, aka-akap ng isa kong kamay ang chest area nya habang ang isa kong kamay naman ay hawak-hawak pa rin ang kumikislot-kislot nyang ari. 

Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi maipaliwanang na naramdaman sa eksenang iyon. Hanggang sa gumalaw ang mga kamay ni Sir at siya na mismo ang nagsiksik ng ari nya pabalik sa loob ng brief. 

Mukhang nahimasmasan na sya ng konti at hinayaan ko na lang din syang mag-isang maglakad pabalik sa sala. 

“Arggggghhhhhh! Shitttt!” sambit ng isipan ko habang pinagmasdan syang paika-ika, di malaman kung bubugbugin sya o mainis sa sarili dahil sa imbis na galit at paghiganti, ay may sumisingit na kung anong awa o kiliti ang nadarama sa naudlot an eksena. 

Nakaupo na sya nung bumalik ako sa inuupuan ko paharap sa kanya. “OK ka lang?” tanong ko.

“OK lang. Salamat... nahihiya ako sa iyo.” sabi nyang parang hirap sa pagsalita dahil sa kalasingan.

“OK lang yun, James, pareho naman tayong lalaki, e.” Sabi ko. “Balik pala tayo dun sa dahilan ng pagpapatawag mo sa akin, ano nga ulit yun? Sige, makikinig na ako dahil tinupad mo naman ang hiningi kong kundisyon at halos maubos na nga natin tong alak e.”

“Gusto ko lang naman... bumalik ka sa klase ko eh. Sayang naman ang galing mo kung di mo ipasa ang subject ko... yun lang ang gusto ko, simpleng bagay lang.”

“Ah, yun lang ba? Chicken. Ok, papasukan ko ang subject mo pero sa isang kundisyon.”

“Ano na naman yang kundisoyn na yan? Putsa, andami mong kundisyon din no?” sabi nyang sabay kamot sa ulo na parang batang nakukulitan.

“Makikipag-sex ka sa akin.”

Animoy nataranta sya’t biglang humupa ang kalasingan, di makapaniwala sa narinig. Napailing-iling at binitiwan ang pilit an ngiti habang ang mapupungay na mga matang dala ng kalasingan ay nakatutok sa akin. “Shittt! Tell me you are kidding, Carl.”

“No, I’m not James!”

Tinitigan nya ako. Nag-isip. “Di ko kaya, Carl...”

“Di mo kaya dahil estudyante mo ako o dahil ayaw mo lang talaga?”

“What is the point?” tanong nya.

“Just answer my question. Papasukan ko ba ang klase mo o hindi?” 

“OK, ok. Bago ko sagutin ang tanong mong yan, tanong ko lang din. Ikaw ba, gusto mo rin ba talagang gawin ito with me, o may gusto ka lang patunayan?”

Nag-isip ako. “Halimbawang ang sagot ko ay dahil gusto ko lang na may mapatunayan...?”

“Sa akin? O sa sarili mo? Is this an experiment, or a test?” bilis nyang pag follow-up.

Natulala ako sa sagot nyang yun. Hindi ko akalaing sa kabila ng kalasingan nya ay magawa pa nyang ma-corner ako. Hindi ako nakaimik.

“Carl, sasabihin ko to sa yo: alam kong matalino ka, at naamoy ko, nilalaro mo lang ako e. Magaling ka, kaya espesyal ka sa akin, alam mo ba yun? Dahil ibang-iba ka sa lahat ng mga naging estudyante ko. Kumbaga, there is special and interesting about you. But don’t get me wrong; it’s not your looks; it’s your intelligence and the way you look at things, sa age mong yan. At nalulungkot ako dahil sa kabila ng talino mo, you are misdirecting it, stifling its full potential, and in the process heading yourself to self destruction. Nanghihinayang ako. You are a genius, but with the mindset of an idiot. How to correct that mindset is a great challenge for me bilang guro mo. Maaring masama ang loob mo sa akin sa approach ko sa iyo; but I got to do what I think is right. At alam ko, you want to resist and make your own game plan. Ngayon, kung kasali sa game plan mo ang kundisyon na makikipag sex ako sa yo para lang pumasok ka sa klase ko, sige, sasakyan kita jan. But I got my game plan too. And in the end, let us see whose game plan succeeds...” Tumayo sya at kahit groggy, tuluyang hinatak pababa sa sahig ang kanyang jeans at brief. 

Mejo tinamaan ako sa sinabing yun ni Sir James. Hindi ko akalaing masabi nya na ako ay espesyal. Hindi ko lang maintindihan at matanggap kung bakit ganun ang approach at pagtrato nya sa akin. Alam kong sa talino at husay ni Sir James bilang isang guro, may malalim syang ibig sabihin at ipinahiwatig. Para akong natauhan at nagdadalawang-isip kung ituloy pa ang binabalak. 

Nung makita ko ang biglang paghubad niya ng lahat ng saplot sa harap ko, may ibang kiliti akong naramdaman at tila nabura din bigla lahat sa isipan ang mga katagang binitawan nya tungkol sa akin. Lalo akong humaga sa ganda ng porma ng katawang hunk na hunk ang dating. 

Nilapitan ako ni Sir, hinawakan sa kamay, pinatayo at sya na mismo ang nagtanggal ng jeans at brief ko. Biglang gumapang sa buong katawan ko ang sarap na hindi maipaliwanang. At naramdaman ko na lang ang pagtigas ng aking pagkalalaki. Hinalikan ako ni Sir sa bibig, nagdikit ang aming mga katawan. Para kaming nagsasayaw, nagyayakapan, nagkiskisan ang mga dila habang ang mga ungol ay nagingibabaw sa buong kwarto at katahimikan ng gabi. Hanggang sa tuluyan naming naipalabas ang init ng aming mga katawan at bugso ng pagnanasa.

Nung mahimasmasan, hindi ako makapaniwalang nagawa ko ang bagay na iyon. Nalilito, binabagabag ng maraming katanungan ang isipan.

Tiningnan ko si Sir an nakatihaya sa kama. Sa sobang kalasingan, tila walang buhay at walang kamalay-malay sa mga pangyayari. “Maalala kaya nya ang pianggagawa at ang nangyari sa amin sa gabing iyon” tanong ng isip ko. 

Ngunit hindi ko na pinapahalagahan pang malaman ang kasagutan. Ang importante sa akin, ay nagtagumpay ako sa aking misyon: ang sikretong makunan ng video clip ang eksenang naglabas-masok sa bibig ni Sir James ang pagkalalaki ko, na sya kong gagamitin sa plano kong pag-blackmail sa kanya...

Idol ko si sir Book 1 part 1


Magsi-second year college ako, 18 years old lang nung inilipat ng mommy sa probinsya upang dun na mag-aral. Sa Maynila kasi, kahit magagaling ang schools ay halos walang nangyayari sa pag-aaral ko, dahil sa bisyo at barkada. Siguro nakita nya na pag sa Maynila ako mag-aaral, walang ring patutunguhan dahil na imbes ang mga subjects ko ang ipasa, kung anu-anong bisyo nalang ang natututunan. Kaya’t yun ang napagpasyahan nya.

Nag-iisang anak lang ako at nung puslit pa lang ay namatay na rin ang daddy kong kano, kaya’t mom ko na ang nag-alaga sa akin. Actually, hindi naman mahina ang ulo ko, in fact, nasa gifted level ang IQ. Sadya lang talagang ayokong mag-aral at ewan ko rin ba, parang may kulang. Feeling ko wala akong kakampi sa mundo at dahil sa kahit na anong bagay ay naibibigay ng magulang, hindi ko naranasang maghirap. Sa pakiwari koy napaka boring ng mundo, walang ka-challenge challenge. Yan ang naisiksik sa utak ko simula nung bata pa lang. Kaya enjoy na enjoy ako sa barkada at sa bisyong sugal, droga, at kung anu-ano pa.

Siguro pweding sabihing ang lahat ng bagay ay nasa akin na – hitsura, tangkad, kaginhawahan. Ngunit ang lahat ng to ay hindi ko iniisip o na-aappreciate man lang. Parang may iba akong hinahanap. Kaya nung mag-decide ang mommy na sa probinsya na ako mag-aral, pumayag na rin ako. “Ok lang... baka dun ko pa matagpuan ang challenge na hinahanap-hanap”, sabi ko sa sarili.

Hindi kalakihan ang school. Siguro, may mga 400 ka estudyante lang ang population ng buong colllege department. Isa itong sectarian school na pag-aari ng mga madre. Kahit na nasa probinsya sya, kumpleto at state-of-the-art ang mga facilities kumbaga. Mailinis, nasa ayos ang lahat. At ang nagustuhan ko rin ay ang malalaking kahoy sa loob at paligid ng campus na nakapagbibigay ng malamig at preskong hangin. Dahil sa hindi kalakihang population, halos mgakakakilala ang mga estudyante rito; alam nila ang mga transferees, ang mga pamatay sa honor’s list, ang pabalik-balik sa subjects, kung sino ang may ganitong ugali, body odor, habit, etc. Kaya nung unang araw pa lang ng pasukan, sa akin nakatutok ang tingin nila. Kumbaga center of attraction na kaagad. At dahil galing ng Maynila at mejo naiiba ang dating dahil mestiso at matangkad, maraming nakikipag-kaibigan. Siguro din, merong mga naiintimidate lalo na ang mga lalaking estudyante.

Simple lang ang paniniwala ko sa buhay. Ang lahat ay nakukuha sa pera, at kung hindi man sa pera, sa ibang diskarte – pagpapa-cute, pambobola, panliligaw, pagpapa-impress, o simpleng pagparamdam na nanjan lang ako sa tabi, handang magbigay ng kung ano man ang gusto nung tao sa akin kapalit ng gusto ko. At kung ayaw pa ring bumigay at masyado ng nasaktan ang ego ko, pwedi na ang ultimate na sandata – blackmail. Kumbaga, wala sa bokabularyo ko ang santong dasalan; lahat ay nakukuha sa santong paspasan.

Wala akong problema sa mga estudyante at kaibigan. Unang impression pa lang nila sa akin ay “cool” kaagad; friendly daw ako, mabait, palabiro at andaming chicks na kinikilig. Sa dami ngang nakikipagkaibigan sa akin baka kung tumakbo akong presidente sa student council, mananalo ako kaagad ng walang kahirap-hirap. Ang problema ko lang ay ang isang teacher sa Sociology – si Sir James.

Si Sir James ay 23 years old lang, matalino, magaling magturo at mejo non-traditional ang approach sa klase. Kung hindi nga lang sya naka-upo sa teacher’s desk sa harap ng classroom ay sasabihin mo talagang isa sya sa mga estudyante sa klase namin. Matangkad, moreno, guwapo at estudyanteng-estudyante ang porma sa pananamit at pagdadala. Nakikipag-bonding sa mga estudyante, nakikipagbiruan, nakikipaglaro ng basketball, at malapit ang loob sa kanila. Ngunit kung gaano sya kalapit sa mga estudyante sa labas ng klase, kabaligtaran naman pag nasa loob. Mahigpit sa mga rules at disiplina. Pero, patas naman. “Kapag nasa labas, barkada tayo, kahit ano pweding sabihin, pweding gawin; pero kapag nasa loob ng klase, ibang usapan na. Ako pa rin ang teacher nyo” Yan ang linya nya sa mga estudyanteng nakikipagbarkada sa kanya. Kaya gustong-gusto sya ng mga estudyante. Kumbaga, klaro ang rules nya, patas sa lahat, at alam nila kung saan sila lulugar, di kagaya ng ibang teachers na masungit, tyrant, o kaya’y parang wala lang...

Isang taon pa lang na nagtuturo si Sir James ngunit kilala na sya bilang isang magaling na guro at maraming nalolokong estudyante. Ngunit, siguro sadyang hindi pweding magkalapit ang loob namin. Sa unang meeting pa lang ng klase, na-experience ko na kaagad ang bagsik nya.

“Class, I’d like you to introduce yourselves, let’s start with the newcomer here from the big city, Mr. Miller...” yun ang hindi ko malimutang pambungad na salita nya kung san nagsimula ang pagka-badtrip ko.

Tumayo nga ako at nagself-introduce. Kaso, mejo nasobrahan yata ang pagka-presko ko. “My name is Carl Miller and, as Sir James said, I’m a transferee, 18 years old, single without experience, never been touched, never been kissed. In short, I’m a stupid, horny virgin, very much available and am planning to offer myself for auction” sabay hiyawan at palakpakan ng buong klase.

“Silence!!!” sigaw ni Sir James sabay lingon sa akin na namumula ang mukha, “Mr. Miller, this is a civil class for people who desire to be civil. And I have no intention of turning this into a brothel or a sex shop! We don’t care if you are a virgin, a stupid, or a maniac. We just want to know something civil about you, you understand?”

Biglang natahimik ang lahat, at syempre, hiyang-hiya ako sa sarili.

Simula nun, feeling ko pinag-iinitan na ako ni Sir James. Parang ang lahat na mabibigat na assignments ay sa akin napupunta. Pag sa klase nya hindi ako tumataas ng kamay o kaya’y sadyang walang maisasagot, pinapatayo ako nyan, at kapag may naisasagot naman, sinusupalpal. At hindi lang yan, ang tawag nya na sa akin ay ‘Blessed Virgin Carl’. “And... does Blessed Virgin Carl have something intelligent to add here...?” tanong nya sa akin isang beses nung mapansing ang isip koy lumilipad.

“A, er... I beg your pardon, Sir?”

“As I was saying, tell me what will an idiot say if he doesn’t understand the question because his mind is somewhere else?” paglilihis nya sa tanong pagpapatama sa akin at pagpaparamdam sa klase.

“Excuse me sir?” tanong kong mejo naguguluhan.

“Exactly! See...? That’s what an idiot would say!” ang sarcastic na sagot nya habang naka-gesticulate ang kamay turo sa akin pagpapatunay na ang sinabi ko ay tugma sa sasabihin ng isang idiot. Tawanan ang buong klase.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang turing ni Sir James sa akin. Parang sa lahat ng mga estudyante sa campus, ako ang sini-single out nya at tinitira samantalang napaka-palakaibigan naman nya sa mga estudyante. Pero kahit na masama ang loob ko sa kanya, yun ang naging dahilan para pagbutihan kong maigi ang pag-aaral sa subject nya para wag lang mapahiya to the point na kahit saan-saan naghahagilap ako ng research materials. Wala na akong ginawa kungdi ang magbasa ng magbasa tungkol sa sociology nya. Hanggang sa lahat ng aspeto ng subject ay naging kabisadong-kabisado ko at lahat ng tanong nya sa akin ay nasasagot. Pero sadyang pinipiga pa rin ni Sir ang utak ko at hindi sya nawawalan ng tanong at argumento. Kaya’t kapag ako naman ang naka-porma, ginigisa ko rin sya sa katatanong ng mga bagay na nakukuha ko rin sa ibang sources. At naging maaksyon ang klase namin, punong-puno ng participasyon dahil sa katatanong ko, na-eencourage na rin ang ibang kaklase na mag-follow up at nabubuksan ang iba pang grey areas at related issues sa subject. “Gusto mo ng tagisan ng talino, sige, magtutuos tayo” sabi ko sa sarili. At dahil doon, humanga na rin sa akin ang mga kaklase ko.

“Alam mo Carl, ang galing-galing mo. Dahil sa mga explanations mo sa tanong ni Sir at sa mga tanong mo na rin sa kanya, nagiging interesting ang klase. Iba ka talaga, tol!” sabi ng kaklase at kadikit kong si Ricky. “Pero napansin ko lang pare, ha, bakit parang mainit ang ulo ni Sir James sa iyo? At, sorry din sa tanong na to, bakit sa ibang klase ay parang dini-deadma mo na lang? Di ka ba natatakot na bumagsak sa ibang subjects?”

“Sa una mong tanong, heto ang sagot ko: malay ko sa kanya! Siguro insecure yan sa ka-pogihan ko, hehehe. Sa pangalawa mong tanong, di mo ba napansin sina ma’am pag nagkakalase? Natuturete pag tinitigan ko, nalulusaw, dre – hehehe” pagmamalaki ko sa sarili.

“So...?” tanong ulit ni Ricky na naguluhan sa sagot ko.

“So...? You don’t get it, tol? It’s obvious na type ako ng mga yun!” pag-emphasize ko sa point. “E, kikindatan ko lang ang mga yan, ipapasa na ako e”

“Matindi ka, dre! E, panu kung di oobra ang plano mo at ibagsak ka pa rin?”

“Malabo yan, dre, dahil proven na sa Maynila ang style ko na yan. At pag ibinagsak talaga nila ako, baka gusto nila ng pera, o di kaya, ako... hehehe” Sabi kong naka-ngiting-aso. “Ngunit kung ayaw pa rin nilang bumigay, isa lang ang dahilan nyan, dre, love nila talaga ako at hindi nila kayang mawalay ako sa paningin nila – hahahaha! Atsaka, problema ba yun pag bumagsak, di balik ulit next sem, chicken feed lang yan.”

“Iba ka talaga, pareng Carl... Ok, balik tayo dun kay Sir James. Di kaya may iba syang motibo kung bakit pinag-iinitan ka nya palagi? O-owwww! I smell something...” sabay bitiw ng nakakalokong ngiti at makahulugang tingin.

Hindi ko na inintindi ang pinahiwatig na yun ni Ricky. Pero sa loob-loob ko, talagang naghanap ako ng paraan para makaganti. Di ko lang alam kung paano.

Sa mga nagdaang araw, hindi pa rin nagbago ang pag-trato sa akin ni Sir James sa klase. Bagkus, feeling ko lalo pang lumala. Kaya dahil sa inis at sama ng loob na parang hindi man lang na-appreciate ang ginawa kong effort sa klase nya, naisipan kong hindi na sisipot at hayaan na lang na i-drop niya ako.

May mga anim na sunod-sunod na sessions na hindi na ako nagpakita pa sa klase nung may natanggap akong note, “Carl, I would like to talk to you today at 4:30 pm; conference room – Sir James”

Expected ko na ang sulat na yun. So sinagot ko, “Sir, I will talk to you only in a private venue, not in school. Ayokong teacher-student ang turing ng usapan coz I’m dropping my subject. I suggest na lalaki-sa-lalaki ang usapan, at hindi guro-estudyante. Kahit saang venue, wag lang sa school” sagot ko sa note nya.

Kinabukasan, may note ulit ako, “Sa apartment ko nalang bukas; 8 pm.”

“Good!” sabi ko sa sarili. “Magtutuos tayo, Mr. James Cruz. Tingnan natin kung hanggang saan ang galing mo...”

Syempre, ni-ready ko ang sarili at naisipan kong mag-research tungkol sa buhay-buhay nya. Kinausap ko si Ricky at tinanong ang mga nalalaman nya tungkol kay Sir James.

“Alam mo, dre, kung personal na aspeto tungkol kay Sir, meron akong nalalamang konti. Aside sa pagiging malapit nya sa mga estudyante, inteligente, at guwapo, meron syang isang bagay na hindi naman confirmed ngunit sikreto – sikretong alam ng buong campus, hehehe” sabi nyang pabiro.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Si Sir James ay... silahis – daw ha, dahil hindi naman na-prove talaga yan e. Pero syempre, nagtataka din ang marami dahil kahit sa hitsura nyang yan at tindi ng appeal at maraming chick ang naloloko ay wala namang girlfriend o nililigawan, di ba? At ang na-involved sa kanya ay isang nagngangalang Henry, mestiso Chinese na nagtuturo din sa school natin last year pero nasa US na ngayon. Magkasama sila sa apartment kasi e. Kaya nga, yang ibang pagtrato nya sa iyo ngayon, naisip ko lang ha... U-uhhh!” hindi na ni Ricky itinuloy ang sasabihin sabay bitiw ng napakapilyong ngiti. “Iba talaga ang level ng ka-gwapuhan mo, tol - hahaha!”

“Ganun ka pala ha...” sabi ng utak kong nanggagalaiti at may sumiksik na maitim na balak.